Walong dayuhan na walang dokumento ang nakapiit ngayon sa Detention Facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City at nakatakdang ideport pabalik sa kanilang mga bansa sa lalong madaling panahon.
(Larawan ng Bureau of Immigration)
Ang mga dayuhan na naaresto sa tatlong magkakahiwalay na kalye sa isang eksklusibong subdivision sa Alabang, Muntinlupa City noong Oktubre 22, 2024, ay napag-alamang may kaugnayan sa mga online scams.
Ang mga nahuli ay pitong Chinese nationals at isang Vietnamese. Dalawa sa mga ito ang sobra na ang panahon ng pananatili sa bansa at ang isa namn ay hinihinalang ilegal ang pagpasok sa Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, nakakuha sila ng impormasyon na makalipas na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsasara ng mga Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa, ang mga ilegal na dayuhan ay bumubuo ng maliliit na scamming hubs.
Nakikipag-ugnayan na ang Bi sa Department of Justice (DOJ) at iba pang mga tagapagpatupad ng batas upang matiyak na maaaresto at maipapatapon palabas ng bansa ang mga dayuhang miyembro ng mga sindikato.
8 Dayuhang Walang Dokumento at Nagta-trabaho sa Maliliit na Online Scamming Hubs, Naaresto ng Immigration | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: