Walong Taguigeños na nagwagi sa 32nd Southeast Asian Games at 12th ASEAN Paragames ang kinilala ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa isang seremonya sa
Taguig Satellite Office, SM Aura Bonifacio Global City noong Nobyembre 16.
Si Maria Christina Vergara ay nagwagi ng gintong medalya sa Women's Freestyle 65kg Wrestling category sa 32nd Southeast Asian Games.
Si Marvin Angelo Ignacio naman ang nagwagi sa Mobile Legends Esports sa 12th ASEAN Paragames.
Pilak na medalya naman ang naiuwi nina Jiah Pingot at Michael Vijay Cater sa Women's 50kg Wrestling at Men's Greco-Roman 55kg Wrestling events.
Tansong medalya naman ang nakuha ni Cathlyn Vergara sa Women's 59kg Wrestling.
Si Grace Loberanes naman ang nakakuha ng tanso sa Women's 55kg Wrestling, at tansong medalya rin ang nakuha ni Johann "Bad Koi" Chua sa Billiards Double.
Nakuha ni Jeanette Agapito ang medalya para sa Women's Team Anyo non-Tradition Open Weapon event sa 32nd Southeast Asian Games.
Pinapurihan ni Mayor Lani Cayetano ang mga naturang atleta na nagpakita ng kanilang kahusayan sa kabila ng kanilang kalagayan.
"Nagpapasalamat kami kasi yung mga atletang katulad ninyo na nagpapakita ng kahusayan sa kabila ng mga inaakala ng iba na kakulangan. I feel that the inspiration that you will give to them, kung meron na mga nag-iisip na kung baga hanggang doon lang sila, pag nakita yung i-storya ninyo ay ma-inspire to do more and to pay attention doon sa God-given gifts na binigay sa atin," ayon kay Cayetano.
Isang inspirasyon aniya sa mga kasalukuyang kabataan ang pagpupursigi ng mga naturang atleta sa kanilang larangan.
(Photos by Taguig PIO)
8 Para-Athletes na Taguigeño, Pinarangalan ng Taguig City Government | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: