Walongdaang pamilya ang makikinabang sa pinirmahang Memorandum of Agreemeny sa mga iba't homeowners at neighborhood associations sa Taguig City upang makabitan sila ng kuryente at tubig.
(Larawan mula sa Lani Cayetano Facebook Page)
Isandaan katao ang sumaksi sa lagdaan kabilang ang 75 miyembro ng homeowners associations mula sa 5 asosasyon, mga representante ng Meralco at mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano.
Ang lagdaan ay isinagawa sa Kalayaan Hall sa SM Aura Tower noong Setyembre 30, 2024.
"Ang kasunduan ay may layuning bigyan ng maayos at sapat na suplay ng kuryente, tubig at iba pang basic utilities ang libu-libong kabahayan sa mga komunidad ng ating Lungsod. Paglilinaw: sa kasunduan ay ihinihiwalay ang usapin ng ownership ng lupa," ang post ng alkalde sa kanyang Facebook Page: Lani Cayetano.
"Life-changing po para sa inyo ang pagkakaroon ng pormal na koneksyon ng tubig at kuryente. Transformative po iyon; Lively dahil hihikayatin po nito ang bawat isa sa inyo na mas lalong maging aktibo sa pakikiisa sa mga gawain ng ating komunidad; at ipinapakita po nito ang Caring nature ng City of Taguig. Hindi man tayo ang pinakamayamang lungsod ng Pilipinas, pero malalim at mayaman ang pag-ibig natin sa ating mga residente kaya po tayong lahat ay nandito. Pinapakita po nito na sa Taguig, we are a Truly Loving and Caring city," dagdag pa ng alkalde.
Kabilang sa nakipagtulungan upang maging kaganapan ang koneksyon ng tubig at kuryente sa mga urban poor communities ay sina Agapito M. Cruz, head ng Urban Poor Affairs Office (UPAO), Jeana Catacio, President, Hanzel NAI, Merlita Magtanong, President, Calzada NAI, Eric Clave, President, Rancho Guapo NAI, Solina Alcantara, VP, San Lorenzo Ruiz SPD NAI at Raquel Bardon, C6 Hagonoy Ville NA.
800 Pamilya sa Urban Poor Communities sa Taguig City, Makakabitan na ng Kuryente at Tubig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: