Tinatayang walo't kalahating milyon katao ang gumagamit ng ilegal o pekeng Persons with Disability identification cards sa bansa, siyam na beses na mas marami kaysa sa mga nakarehistrong tunay na PWDs, ayon sa isang pagdinig sa Senado.
(Larawan ni Marou Sarne)
Sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) na ang pagkalat ng mga pekeng PWD IDs na ito ay hindi lamang krimen kung hindi isang pagyurak sa dignidad at karapatan ng nasa sektor ng may kapansanan.
Nagpahayag ng kanilang pag-aalala ang CHR sa malawakang paggamit ng mga pekeng PWD IDs na nagbibigay ng benepisyo sa ilalim ng Republic Act 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons hindi naman tunay na may kapansanan.
"These acts undermine the integrity of these privileges and trivialize the legitimate struggles of PWDs," ayon sa CHR/
Bagaman at matagal nang pinuna at binalaan ang mga gumagamit ng pekeng PWD IDs, sinabi ng mga negosyante na mas dumami ngayon ang mga wala namang kapansanan subalit may PWD ID na nakakakuha ng mga diskwento.
Dahil dito, may ilang mga negosyo na nagpapatupad ng patakaran na nakakabawas naman sa benepisyo ng tunay na mga PWDs.
Sa pag-iimbestiga ng Senado, lumabas na mayroong nagbebenta ng mga pekeng PWD IDs online sa halagang P500 hanggang P1, 500.
Dahil dito, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gagawa sila ng isang unified ID system kung saan masusubaybayan at mabeberipika ng mga negosyo kung tunay ang PWD ID na hawak ng kanilang kostumer.
Pinuri rin ng CHR ang ginagawang pagtugis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga nandadaya kaugnay ng PWD IDs.
"We commend and support these initiatives. They are crucial in safeguarding the benefits and privileges accorded to persons with disabilities while ensuring that resources are allocated to those who genuinely need them," ayon sa CHR.
8.5 Milyon Katao, Gumagamit ng Pekeng PWD ID sa Pilipinas; May mga Hakbangin na Upang Pigilin ang mga Ito | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: