Tutol ang karamihan sa congressional staff at secretariat members sa panukalang ilipat ang mga opisina ng House of Representatives mula sa Batasan sa Quezon City tungo sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

News Image #1


Sa isang survery na isinagawa kamakailan sa may 1, 698 congressional staff at secretariat members, 88% o 1, 481 sa mga ito ang tutol na ilipat ang Kongreso sa BGC, Taguig kahit na ang dahilan nito ay para mapalapit sa Senado.

Labindalawang porsiyento lang o 208 sa mga empleyado ng Kamara de Representantes ang payag sa planong paglilipat.

News Image #2


Sa mga sumali sa survey, 516 ang congressional staff samantalang 1. 182 ang bahagi ng secretariat na nagsisilbi sa mahigit 300 kongresistang nag-oopisina sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ang resulta ng survey ay iniharap noong Enero 22 sa pagdinig ng House Ad Hoc Committee on the Proposed Relocation of the House of Representatives Complex.

Una rito, inihayag na ng presidente ng Congressional Staff Association na si Vincent Borneo na hindi sila katig sa paglipat ng mga opisina ng Kamara de Representantes sa bagong lugar.

"The Senate is relocating its offices to a new building, now nearing completion, in the Bonifacio Global City (BGC). There is a proposal to relocate offices of the House to the same area or a nearby location. It must be noted, however, that the Senate decided to construct a new building in BGC because, since 1997, it has been renting office space at the GSIS Building in Pasay City. This is not the case for the House," ang pahayag ni Borneo sa liham nito kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na siyang Ad Hoc panel chairman.

"The House and Senate holding office in the same building or within close proximity does not address gridlock - whether in traffic or legislative work. It is the nature of a bicameral legislature that the two chambers, regardless of distance, will perform their functions separately and independently, except in cases where joint voting and/or joint session is required," dagdag pa ni Borneo.

Ayon pa sa kanya, mayroon namang komunikasyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya kung kaya't hindi na kinakailangang magkalapit pa ang mga opisina ng Senado at Kongreso.

(Photos by Vera Victoria)