Siyam na evacuation centers ang inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sakaling kailanganing lumikas ng mga residente bunga ng tuloy-tuloy na pag-ulan at malakas na hanging hatid ng Bagyong Kristine na ngayon ay isang severe tropical storm na.

News Image #1


Sinuspinde na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang klase sa lahat ng antas sa Taguig ngayong Oktubre 24, 2024, lalo na at itinaas na sa Wind Signal Number 2 ang Metro Manila.

News Image #2


Gayunman, ang mga eskwelahan ay kailangang ipatupad pa rin ang alternatibong pamamaraaan ng pag-aaral.

"Schools shall resort to alternative delivery mode of learning in accordance with the policies of the Department of Education. We urge everyone to take necessary precautions and stay safe during this period," ang post ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa kanilang Official Facebook Page na I Love Taguig.

Ang mga evacuation centers ng Taguig ay nasa mga sumusunod na lugar:
• Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School sa Barangay Ususan
• Taguig Integrated School sa Barangay Tuktukan
• Ususan Elementary School sa Barangay Ususan
• Santa Ana Multipurpose Building sa Barangay Santa Ana
• North Daang Hari Barangay Covered Court
• Taguig Integrated School sa Barangay Bambang
• Hagonoy Gym sa Barangay Hagonoy
• Napindan Integrated School
• Taguig Center for Disaster Management sa Barangay Central Signal

Kung may mga emergency at kailangan ng tulong, maaaring tumawag sa mga numerong ito:
Command Center:
(02) 8789-3200
Taguig Rescue:
0919-070-3112
Taguig PNP:
(02) 8642-3582
0998-598-7932
Taguig BFP:
(02) 8837-0740
(02) 8837-4496
0906-211-0919
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)