Pansamantalang mawawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay Western Bicutan, Taguig City sa Oktubre 22 hanggang 23, 2024 mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.
Ayon sa Manila Water, ang mawawalan ng tubig ay ang kabuuan ng AFPOVAI Phase 4 at 6 bunga ng interconnection o pagkakabit ng tubo para anila sa mas mahusay na serbisyo ng tubig.
Kung magkakaroon ng problema sa suplay o mapapalawig ang paggawa ng kanilang contractors sa Barangay Western Bicutan, sinabi ng Manila Water na maaari silang tawagan sa telepono 1627.
Samantala, ipinatitigil ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng mga paghuhukay sa daan mula Nobyembre 18, 2024 hanggang Disyembre 25, 2024 upang maiwasan ang pagbubuhol-buhol ng trapiko lalo na ngayong papalapit ang Pasko.
Gayunman, ang mga flagship projects ng pamahalaan tulad ng pagkukumpuni o pagtatayo ng tulay ng Department of Public Works and Highways (DPWH), paggawa ng sasalo sa baha, pagkumpuni ng mga biglaang tulo, ay papayagan ng MMDA na magpatuloy.
(Mga larawan ni Dexter Terante)
AFPOVAI Phase 4 at 6, Mawawalan ng Tubig sa Oktubre 22 ng Gabi Hanggang 23 ng Madaling Araw | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: