Inilipat sa Disyembre 9, 2024 ang pagdiriwan ng Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary na kadalasang ginugunita ng Disyembre 8.

News Image #1


Sa isang circular na ipinalabas noong Nobyembre 14, 2024 ng Archdiocese of Manila, ipinaliwanag nitong ang sa Liturgical Calendar, dapat ay nauuna ang paggunita sa unang Linggo ng Advent bago ang Araw ng Immaculate Conception.

Dahil nagkasabay na parehong Linggo ang unang Linggo ng Advent at ng Solemnity of the Immaculate Conception, nagpasya ang simbahan na iurong na lamang ang huli sa Disyembre 9.

"May we remind you that this year's celebration of the Solemnity of the Immaculate Conception will be celebrated on 9 December, Monday," ang pahayag ni Father Carmelo Arada, vice chancellor ng Archdiocese of Manila.

"Solemnities that fall on a Sunday of Advent or Lent are transferred to the following Monday unless they occur on Palm Sunday or on Sunday of the Lord's Ressurection," dagdag pa nito.

Ang Solemnity of the Immaculate Conception ay isang banal na araw ng obligasyon para sa mga Katoliko. Kahit Lunes na ang paggunita nito, may obligasyon pa rin ang mga Katolikong dumalo sa Banal na Misa sa Araw na ito.

News Image #2


Wala pang inilalabas na ulat ang Malakanyang kung iuurong din ang holiday o walang pasok sa buong bansa sa Disyembre 9.

Ang Disyembre 8 ay isang special non-working holiday sa buong bansa sa ilalim ng Republic Act 10966, na naging batas noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

(Mga larawan ni Dexter Terante)