(Video ng Armed Forces of the Philippines)
Pitong sundalo ang nasugatan sa pangyayari kasama si Seaman 1C Jeffrey Facundo na diumano ay naputulan ng daliri. Nasira rin ang mga sasakyang pandagat ng AFP at ang mga gamit nito para sa komunikasyon. Ang mga inflatable boats naman ng AFP ay nilaslas.
Sa video, makikitang may hawak na palakol ang isang Chinese Coast Guard member at may ilan ding may hawak ng patalim habang pinapalo naman ng iba ang mga sasakyang pandagat ng AFP. Nagpasabog din ang mga tauhan ng CCG ng tear gas.
(Larawan mula sa Armed Forces of the Philippines)
"Despite facing overwhelming numbers and harassment from the CCG, Filipino troops valiantly fought back and defended their position. The AFP maintains professionalism and steadfast commitment to uphold international law and preserve peace in the region," ang inilabas na pahayag ng AFP.
Tinalian pa ng lubid ng mga tauhan ng CCG ang Rigid Hull Inflatable Boat ng AFP habang hawak ng isang tauhan ng CCG ang palakol at binabantaan ang isang sundalo ng AFP. Nagpatunog din ang CCG ng maingay na sirena at nagpailaw ng strobe lights upang guluhin ang tropa ng AFP.
"The CCG swarmed AFP's Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) already moored alongside BRP Sierra Madre (LS57), escalating their aggression by wielding pointed weapons and explicitly threatening to harm Filipino troops. The CCG personnel then began hurling rocks and other objects at our personnel. They also slashed the RHIBs, rendering them inoperable. All the while, the blaring sirens were being employed non-stop," dagdag pa ng AFP.
(Video ng AFP)
Sa video, makikita ring kinuha ng ilang tauhan ng CCG ang mga supplies na nasa sasakyang pandagat ng AFP.
Sa kabila ng kaguluhan, sinabi ng AFP na nagtimpi ang mga sundalong Pilipino at inasikaso ang isang seaman ng Navy na nasaktan .
(Larawan mula sa AFP)