Isang aktres ang naaresto ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) dahil umano sa paglabag sa batas laban sa estafa at sa securities regulation code. Walang piyansang inirekomenda sa mga kasong kinakaharap nito.

News Image #1

(Larawan ng SPD)

Sa ulat ng SPD mula sa headquarters nito sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi lamang na isang alyas Neri, 41 taong gulang, ang kanilang inaresto sa basement ng isang convention center na nasa loob naman ng isang mall sa Pasay City noong Nobyembre 23, 2024.

News Image #2

(Larawan ni Dexter Terante)

Ayon sa SPD, nahaharap ang aktres sa kasong estafa na may relasyon sa Presidential Decree 1689. Syndicated estafa ang partikular na kaso nito. Ang syndicated estafa ay may kinalaman sa pagdispalko o paglalagay sa ibang lugar ng perang ibinigay ng mg stockholders, miyembro ng kooperatiba o na-solicit mula sa publiko.

Nahaharap din ang naarestong aktres sa 14 na bilang ng paglabag sa Section 28 ng Republic Act 8799 o ang Securities Regulation Code, na may probisyon sa rehistrasuon ng mga brokers, dealers, salesmen, at iba pang may kinalamang tao.

"The accused, who is listed as Rank #7 (Station Level) for November 2024, was apprehended after a warrant of arrest was served for 14 counts of violation of Securities Regulation Code (Section 28 of R.A. 8799), docketed under Criminal Cases No. R-PSY-24-01653-CR to R-PSY-24-01654-CR and R-PSY-24-01829-CR to R-PSY-24-01840-CR issued by Hon. Gina Bibat Palamos, Acting Presiding Judge of the Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City, on September 18, 2024, and October 16, 2024. Bail was set at ₱126,000.00 for each of the counts; and Estafa under Article 315 Par 2(a) in relation to PD 1689 (Syndicated Estafa) docketed under Criminal Case No. R-PSY-24-01652-CR issued by Hon. Ronald August L. Tan, Acting Presiding Judge of RTC Branch 112, Pasay City dated September 17, 2024, with no stated bail," ayon sa post ng SPD sa kanilang Facebook Page.

Isang showbiz reporter naman ang nagbunyag ng pagkakakilanlan ng aktres.