Isang driver ng ambulansya ang binaril sa ulo ng isang lalaki sa Barangay San Miguel, Taguig City, noong Agosto 13, 2024.
(Larawan ni Dexter Terante)
Ang suspek kasama ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit nito sa pagtakas ay natunton ng Taguig City Police sa pinagtataguan ng mga ito sa Barangay Western Bicutan at napatay sa engkwentro.
Batay sa nakuhanan ng CCTV sa Barangay San Miguel noong Martes, nakita ang biktimang si Bayani Quizon na naglalakad sa gilid ng kalsada nang biglang lumabas ang suspek sa kanyang pinagtataguan at binaril ang biktima.
Nakita rin sa CCTV na kahit bumagsak na ang lalaking bitkima ay pinagbabaril pa rin ito ng suspek. Apat na beses na binaril ang biktima. Makaraan ang ginawang pagbaril, sumakay ito sa isang motorsiklo na minamaneho ng kasamahan nito.
Natunton ang mga suspek sa tulong ng CCTV recording at mga nakasaksi sa pangyayari. Nang aarestuhin na ang mga ito, nanlaban ang dalawa sa pulisya na ikinamatay ng mga ito.
Nakuha ng Taguig City Police sa pinangyarihan ng engkwentro sa Barangay Western Bicutan ang isang .38 kalibre ng baril at isang .45 kalibre na ngayon at sinisiyasat ng mga otoridad kung ang mga ito ang ginamit sa pagpaslang sa ambulance driver.
Sinabi ni Taguig City Police Acting Chief Colonel Christopher Olazo na may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagkamatay ni Quizon. Sa kanilang imbestigasyon, lumabas na may pagkakautang si Quizon na may kaugnay ng ipinagbabawal na gamot at isang taon na diumano itong sinisingil. Pinagbantaan na rin ang buhay ni Quizon noon.
Ang pinaka-utak ng krimen ay natukoy na rin ng mga pulis.
Ambulance Driver, Pinatay Dahil Diumano sa Droga; Mga Suspek, Napatay ng mga Pulis | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: