Nasawi ang isang 61 taong gulang na Amerikano makaraang makipagniig sa kanyang kasintahang taga-Taguig sa isang hotel noong Lunes ng madaling araw.
(Larawan mula sa San Juan de Dios Hospital)
Isinugod sa San Juan de Dios sa Pasay City ang Amerikanong kinilala lamang sa alyas na Bert makaraang mapansin ng kasintahan nitong nawalan ito ng malay makaraang may gawin silang dalawa sa isang hotel sa lungsod.
Ayon kay alyas Del, ang 51 taong gulang na kasintahan ng Amerikano na nakatira sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, alas 12:54 ng hapon noong Nobyembre 17, 2024, nang mag-check-in sila sa hotel. Madaling-araw noong Nobyembre 18, makaraan ang kanilang pagniniig, ay nakatulog ang biktima, subalit napansin ng babae na hindi na ito magising.
Tumawag siya ng tulong sa mga staff ng hotel na nagsugod sa biktima sa San Juan de Dios Hospital bandang alas 4:00 ng madaling araw.
Dead on arrival na ang biktima sa pagamutan at pinaniniwalaang inatake ito sa puso.
Amerikanong Kasama ang Kasintahang Taga-Taguig, Inatake sa Puso sa Isang Hotel | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: