Isa na namang pedopilyang Amerikano ang naka-detine ngayon sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Barangay Lower Bicutan, Taguig City makaraang maharang sa Clark International Airport kamakailan.
Papasakay na sana ng eroplano ng Cebu Pacific Airways patungong Tokyo, Japan si Steven Daniel Griswold, 42 taong gulang, nang maalerto ang mga Immigration officers sa Clark na nasa watchlist ng wanted na mga dayuhan ang naturang Amerikano.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na may kaso si Griswold sa Amerika na pang-aabusong sekswal sa mga bata at pagtanggap ng pornograpiyang may kinalaman sa mga bata.
Isang warrant of arrest ang ipinalabas ng US District Court sa Oregon laban kay Griswold.
Inilagay na sa immigration blacklist si Griswold upang hindi na ito makabalik pa sa Pilipinas kapag napatapon na pabalik sa Amerika.
"He will be perpetually banned from entering the country as foreign pedophiles like him do not deserve the privilege to stay here even for a second. They should be kicked out because they pose a serious threat to our children, anyone of whom could be his next victim," ang pahayag ni Tansingco.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Amerikanong Pedophile, Arestado sa Pilipinas; Nakadetine na sa Camp Bagong Diwa, Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: