Hindi naniniwala ang anak ng chinop-chop na pulis-Palawan na si Executive Master Sergeant Emmanuel de Asis sa kuwentong nahuli sa aktong nakikipagniig sa asawa ng may asawa ang kanyang ama kaya't ito ay pinatay.

News Image #1

(Larawan mula sa Puerto Princesa, Palawan Police)

Ayon kay Police Captain Peter de Asis, pinagplanuhan ng matagal na ang pagpaslang sa kanyang 55 taong gulang na ama.

Ang labi ng biktima ay natagpuan ng Baguio Polce noong Disyembre 4, 2024 na putol-putol at nakasilid sa dalawang magkahiwalay na sako sa ilalim ng lupaing pagmamay-ari ng suspek na si Lieutenant Colonel Roderick Pascua sa Barangay Pucsusan.

Sinabi ng batang De Asis na biktima ng malisyosong ulat ang kanyang ama kaugnay ng salaysay ng pumatay rito na si Pascua na nahuli nito sa akto si De Asis at ang kanyang asawang si Police Executive Master Sergent Rosemarie Pascua na nagniniig.

Sa isang Facebook post ni Captain De Asis noong Disyembre 6, 2024, sinabi nitong na-set-up ang kanyang ama at ang totoo aniya ay kinidnap ang kanyang ama at tinorture na naging dahilan ng kamatayan nito. Idinagdag pa nitong noong Marso 2024 pa lamang ay pinlano na ang pagpaslang sa kanyang ama.

"To their cohorts, your days are numbered. Just like my personal perseverance to locate these two demonic individuals for only 48 hours. We will seek justice in the bounds of the law. I will use all my trainings and skills as qualified special forces operator to hunt all of you. My whole family will not stop on this until you are all inside prison cell," ang pahayag ni Captain De Asis sa kanyang social media post.

Batay sa ulat ng Taguig City Police, nangumpisal si Lt. Col. Pascua na binaril niya si De Asis sa kanyang tinutuluyan sa Camp Bagong Diwa, Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Nobyembre 28, 2024 dahil nahuli niya sa akto ang biktima at ang kanyang asawang may ginagawang malaswa.

Samantala, batay sa CCTV footages na nakuha ng Taguig Police, nakitang nag-check-in si De Asis sa LJ Hotel ng alas otso ng gabi noong Nobyembre 28, 2024 at umalis dito, tatlumpung minuto ang nakalipas, sakay ng Grab taxi patungong Camp Bagong Diwa.

Nakita rin sa CCTV footage na nagtungo si De Asis, kasama ang asawa ng suspek sa Married Non-officers' Quarters (MNOQ) sa loob ng Camp Bagong Diwa kung saan nakatira ang mag-asawang Pascua.