Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2024 ang kandidata ng Bulacan na si Chelsea Manalo sa harap ng milyon-milyong manonood sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at sa YouTube na ini-stream live ng Empire Philippines kagabi, Mayo 22 na tumawid ng hanggang madaling araw ng Huwebes, Mayo 23, 2024.
Limampu't dalawang kalahok ang dinaig ni Manalo upang katawanin ang Pilipinas sa Miss Universe competition na isasagawa sa Mexico.
Ang kinatawan ng Taguig na si Christi Lynn McGarry ang nakakuha ng posisyong 4th runner-up, samantalang si Tarah Valencia ng Baguio ang 3rd runner-up, ang 2nd runner-up naman ay si Maria Ahtisa Manalo ng Quezon Province at 1st runner-up si Stacey Gabriel ng Cainta.
(Miss Taguig)
(Miss Baguio)
(Miss Quezon Province)
(Miss Cainta)
Ang mga runners-up ay may sigurado nang korona subalit malalaman pa lamang ang kanilang magiging titulo sa isang hiwalay na seremonya ng pagkokorona.
Ang apat na titulo ay Miss Supranational Philippines, Miss Charm Philippines, Miss Eco International Philippines, at Miss Cosmo Philippines.
Sa katanungan kay McGarry na "what is the hardest challenge you face as a Filipina woman, and what do you do to hurdle that challenge," narito ang kanyang kasagutan: "I think one of the biggest challenges that Filipinas face today are being limited. By still being shadowed by unfortunately men who are in society. My platform and me standing here in front of you today, I can encourage women that you, too, can stand up. You can be strong. You can be powerful. You can own your own destiny, like I plan to tonight."
(Screenshots sa Empire Philippines livesteaming sa YouTube)
Ang Bagong Miss Universe Philippines ay si Miss Bulacan, Fourth Runner-Up si Miss Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: