Isa nang malakas na bagyo o typhoon ang bagyong Marce makaraang mamataan ito sa 590 kilometro silangan ng Baler, Aurora (16.4°N, 127.1°E) kaninang alas 10:00 ng umaga (Nobyembre 5, 2024).

News Image #1

Ang taglay nitong hangin ay 120 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong 150 kilometro kada oras at may central pressure na 970 hPa.

Kasalukuyang kumikilos ito patungong kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras. Ang lawak ng nasasakupan ng malakas nitong hangin ay nasa 580 kilometro mula sa gitna.

News Image #2


Nakataas na ang Signal Number one sa mga sumusunod na lugar sa Luzon: Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Bayombong, Solano, Quezon, Kasibu), hilagang bahagi ng Quirino (Diffun, Saguday, Cabarroguis, Aglipay, Maddela) at hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan).

News Image #3


Malakas ang ulan na dala ng bagyong lalo na at nagtutulungan ito at ang northeasterly winds.

Pinapayuhan ang mga maglalayag na ipagpaliban muna ang paglalayag sa mga karagatang sakop ng hangin at ulang dala ng bagyong Marce.

(Mga larawan mula sa PAGASA)