Nagsimula ang bigayan ng Pamaskong Handog noong Disyembre 5, 2023, sa mga barangay ng San Miguel, Bambang, Tuktukan, Ibayo-Tipas at Ligid-Tipas na pinangunahan mismo ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Taguig. (Larawan mula sa Facebook Page: Lani Cayetano)
Nagsagawa rin ng distribusyon ng Pamaskong Handog ng maaga sa Minipark ng Barangay Fort Bonifacio, Taguig City, sa tabi ng SM Aura Premier. (Kuha ni Jez Magbanua)
Nagtapos ang bigayan ng Pamaskong Handog sa mga barangay ng EMBO (enlisted men's barrios) noong Disyembre 22, 2023.
Ito ang kauna-unahang Pasko na nakatanggap ang mga bagong Taguigeños mula sa EMBO barangays na tuwang-tuwa sa kanilang mga regalong pang-noche buena.
Sa Barangay Rizal at Pembo ang huling araw ng personal na distribusyon ng pamahalaang lungsod ng Taguig ng Pamaskong Handog. (Larawan mula sa Taguig PIO)
Ang bawat Pamaskong Handog ay naglaman ng noche Buena package na kinabilangan ng 10 kilo ng bigas, tatlong lata ng meat loaf, dalawang malaking lata ng corned beef, pancake mix, keso, gatas na kondensada, de latang fruit cocktail, biskwit, pasta at spaghetti sauce. (Photo by Taguig PIO)
"Tanggapin po ninyo ang mga kaloob ng ating lungsod. Ang Pamaskong Handog ay simbolo ng diwa ng pagmamalasakit, pagbibigayan, at pagmamahal. Isapuso po natin na bukod po sa natanggap po ninyo, ang tunay na diwa ng kapaskuhan ay ang tunay na pag-ibig ng Diyos Ama sa sangkatauhan. Huwag po nating kakalimutan 'yan this Christmas season," ayon kay Cayetano.
Ang mga senior citizens, persons with disabilities at mga buntis ay personal na hinatiran ng kanilang Pamaskong Handog sa bahay.
"Ipanalangin natin sa Panginoon ang patuloy na pagpapala para sa katuparan ng matayog na pangarap ng bawat pamilyang Taguigueno. Ipagpasalamat natin ang pagsilang ni Kristo: ito ang tunay na regalo natin ngayong Pasko," dagdag pa ni Cayetano.
Tiniyak ng pamahalaang lungsod na may Pamaskong Handog ang bawat pamilyang Taguigeño. Kung may mga katanungan, tawagan lamang ang mga numerong 0962.636.5956 / 0962.635.5951 / 0962.635.5953 at 0962.635.5950. (Art card by Taguig PIO)
[Photo 5)