Isa sa bawat limang taong may kapansanan sa Pilipinas ang nasa edad na 1 hanggang 14 na taong gulang.
Ang mga batang may kapansanan ang madalas na hindi nakakasama sa mga regular na benepisyo at proyekto dahil sa mga problema sa kanilang kapaligiran, na napapalala pa ng kahirapan, ayon sa Save the Children.
Sinabi ng grupo na kabilang sa mga kinakaharap na problema ng mga batang may kapansanan ay ang pagkuha ng mga serbisyo sa lipunan, bullying, diskriminasyon kahit sa sarili nilang tahanan, o masyadong protektado ng kanilang pamilya kaya't hindi sila nakakalabas o nakakasalamuha ang ibang tao na nakakahadlang sa kanilang kaunlaran.
Isang proyekto na pinondohan ng European Union at Save the Children ang nagtangkang magpabago sa sitwasyong kinakaharap ng mga batang may kapansanan sa pamamagitan ng Project Scope.
Dito ay binigyan nila ng lakas at kapangyarihan ang mga nasa disability sector, kasama ang mga batang may kapansanan, na maisatinig ang kanilang mga hinaing at ninanais mula sa pamahalaan at sa kanilang komunidad.
Isinulong din ng proyekto ang pagpapalakas ng kapasidad ng local government units upang maisagawa ang mga programang makakatulong sa may kapansanan.
"Existing disability laws and policies are not fully implemented and do not adequately meet specific needs of persons and children with disabilities. Local Government Units (LGUs) have incomplete data, and lack capacity to implement legal mandates and effectively facilitate access to inclusive social services. Persons with disabilities and their caregivers; parents organizations and local Organizations of Persons with Disabilities (OPDs) are not informed about relevant policies and benefits available to them and are often not represented in special local bodies," ang pahayag ng Save the Children.
Tinarget ng proyekto ang mga batang may kapansanan at ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga na nasa mga siyudad ng Taguig at Parañaque at sa munisipalidad ng Pateros. Ang nagbenepisyo ay may 19,274 persons with disabilities (PWDs) kabilang ang mga batang nasa mahihirap na komunidad.
"Through Project SCOPE, I learned to become more confident. Now, I am not shy to speak-up among my peers. I am also able to share my opinions and listen to others in activities like consultations [with the] government," ang pahayag ni Aimylyn, 16 taong gulang at miyembro ng partner organization na Parañaque Dream Chasers.
Bilang resulta rin ng Project SCOPE, may mga naisampang reklamo na may kinalaman sa bullying at diskriminasyon sa lungsod ng Taguig.
(Photos by Save the Children)
Anti-Bullying at Anti-Discrimination na Kaso sa Ilang PWDs sa Taguig, Naireklamo Dahil sa Project SCOPE ng Save the Children | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: