Isang apat na buwang gulang na sanggol mula sa Taguig City ang kabilang sa halos 500 menor de edad na nailigtas ng Philippine National Police (PNP) mula sa pang-aabuso online.

Sinabi ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na ang mga menor de edad na ito ay nailigtas nila mula sa iba't ibang lugar sa bansa simula pa noong 2022.

News Image #1

(Larawan ng International Justice Mission)

375 sa mga nailigtas ang batang babae at 121 ang mga batang lalaki na ang edad ay 17 pababa.

Ang 4 na buwang gulang na sanggol ay nailigtas mula sa pagbebenta ng nanay at tiyahin nito sa mga pedophiles.

Ayon kay PNP Women and Children Protection Center (WCPC) Director Police Brig. Gen. Portia Manalad, ito na ang isa sa pinakanakakarimarim na pangyayaribg nahawakan nila.

"The PNP stands firm in its fight against all forms of child exploitation. These rescued victims represent lives saved and futures restored. Every rescue mission is a step closer to justice and a safer environment for our children," ayon naman sa hepe ng PNP na si Marbil.

Ayon kay Marbil, ang mga operasyon na pinalakas ng batas na Republic Act No. 11930, o ang batas na Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) simula pa noong 2022 ay naging dahilan ng pagkaaresto ng 167 na suspek, paghaharap ng 218 kaso at pagkakulong ng 12 katao.