Nakabilanggo na sa Bureau of Immigration (BI) Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang isang lalaking taga-South Korea na may kinalaman sa panloloko sa pamamagitan ng telekomunikasyon sa kanilang bansa.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Ang wanted na South Korean ay kinilalang si Kang Hyeunok, 32 taong gulangm na naaresto ng fugitive search unit ng BI sa Mactan, Lapu lapu City noong Agosto 14, 2024,
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Kang ay inaresto sa bisa ng isang deportation warrant na ipinalabas ng BI board of commissioners noon pang Oktubre 2021 dahil ito ay isang hindi kanais-nais na dayuhan.
Apat na taon nang nasa bansa si Kang dahil simula nang pumasok sa bansa noong Hulyo 2019 ay hindi na ito lumabas.
Mayroon din itong red notice mula sa International Police dahil sa isang warrant of arrest na ipinalabas naman ng Suwon district court sa Korea laban sa kanya noon pang Setyembre 13, 2019.
Napag-alaman sa mga otoridad sa Korea na si Kang ay namumuno sa isang voice phishing syndicate na nagsasagawa ng operasyon simula pa noong 2017 at nakapanloko na sa mga biktima ng mahigit sa US$840,000.
Nagpapanggap ang mga telemarketers ng sindikato na mga taga bangko at nakukuha sa mga biktima ang kanilang mga personal na impormasyon para makapanloko pang muli.
Apat na Taong Nagtago sa Pilipinas na South Korean na Wanted sa US $840K Telecoms Fraud, Nahuli Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: