Tinatawagan ang mga aplikante para sa scholarship ng Taguig City University - City Educational Assistance Allowance (TCU-CEAA) na nagsumite ng kanilang aplikasyon online noong Oktubre 23 hanggang Nobyembre 10, 2023 na ihanda na ang mga kakailanganin para makumpleto ang kanilang aplikasyon.

News Image #1


Kabilang dito ang mga kopya ng Grade 10 o Grade 12 report card o certification mula sa Principal, school ID o anumang balidong ID na kokopyahin ng back-to-back sa iisang pahina lamang, at birth certificate na inisyu ng Philippine Statistics Authority o Civil Registry Office.

Sa mga requirements na nabanggit, kailangang dalhin din ang orihinal na mga dokumento para lamang sa beripikasyon.

News Image #2


Kailangan din ang certified true copy ng elementary o high school form 137, ALS Certificate para sa mga graduate ng ALS, death certificate ng mga magulang kung patay na, work contract, visa o passport kung ang mga magulang ay nagta-trabaho sa ibayong dagat.

Narito naman ang schedule ng pagsusumite ng mga kakailanganin at dadalhin sa Taguig Scholarships Office sa Senator Renato Companero Cayetano Memorial Science and Technology High School mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon:

Pebrero 7: mga estudyante mula sa Bagong Tanyag, Fort Bonifacio, Lower Bicutan, Pinagsama, San Miguel at Tuktukan.

Pebrero 8: mga estudyante mula sa Barangay Calzada Tipas, Central Signal, Napindan, North Signal, Palingon Tipas, South Signal, at Santa Ana.

Pebrero 12: Hagonoy, Ibayo Tipas, Katuparan, Ligid Tipas, Maharlika, at New Lower Bicutan.

Pebrero 13: Barangay Bambang, Central Bicutan, North Daang Hari, South Daang Hari, Upper Bicutan, Ususan at Wawa.

Pebrero 14: Barangay Bagumbayan, Western Bicutan, Cembo, Comembo, East Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, Rizal, South Cembo at West Rembo.

News Image #3


Tatanggapin lamang ng Taguig Scholarships Office ang mga kumpletong requirement batay sa iskedyul ng mga ito na nakasaad sa itaas.

(Art Cards at larawan mula sa Taguig Scholarships Office)