Hanggang Pebrero 29, 2024 na lamang ang aplikasyon sa Lifeline Assistance for Neighbors In-Need o LANI Scholarship paea sa ikalawang semestre ng schoolyear 2023 - 2024. Narito ang link: https://bit.ly/LANI2ndSemSY-23-24

Ang LANI Scholarship Program ay may pitong uri ng scholarship na nagbibigay ng tulong pinansiyal mula P15,000 to P110,000 bawat taon. Ang mga allowance ay ibinibigay kada semestre. At kung nakakuha ng semestral weighted average na mula 88.75, makakakuha pa sila ng dagdag na P5,000.

News Image #1


Para maging kwalipikado, ang aplikante ay kailangang naka-enroll na sa eskwelahan. Kung 18 taon na o mas matanda pa, kailangang aktibong botante ng Taguig o botante mula sa EMBO (enlisted men's barrio) barangay kung saan sila nakatira (magdala ng patunay sa pamamagitan ng voter certification), mayroong isa o parehong magulang na aktibong botante ng Taguig o EMBO, ang pamilya ay residente ng Taguig o EMBO ng may 3 taon na at higit pa, at maayos ang pagkatao (good moral character).

Kabilang naman sa mga kakailanganing isumite ang sumusunod (PHOTOCOPIES LAMANG)

• Certified o authenticated copy ng Official Form / Registration Form / Certificate of Matriculation para sa schoolyear 2023-2024 (2nd semester)
• Original / Authenticated o True Copy of Grades (original) sa nakaraang semestre, na may school seal o official signature
• Official receipt o pruweba ng pagbabayad para sa mga nasa pribadong eskwelahanna ang COE / COE ay hindi authenticated
• Junior High School card / diploma / certification mula sa principal para sa bagong aplikante
• Senior High School card / diploma / certification mula sa principal para sa bagong aplikante
• School ID o anumang balidong ID na inisyu ng pamahalaan (back-to-back copy sa iisang papel lamang)
• Certificate of Academic Excellence / certification from principal para sa mga top 10 graduates ng public high school sa Taguig o EMBO barangays (para sa honor scholars)
• Birth Certificate

May isusumite ring mga orihinal na kakailanganin, subalit tatanggapin din ang mga authenticated copies ng mga sumusunod:

• Official Registration Form para sa school year na ina-apply-an
• Official receipt o pruweba ng pagbabayad para sa mga nag-aaral sa pribadong eskwelahan at ang COR/COE ay hindi authenticated
• School ID o anumang balidong government-issued ID
Kailangan din ang mga sumusunod na dokumento:

• Elementary Form 137 para sa mga nagtapos sa elementarya sa mga eskwelahang nasal abas ng Metro Manila
• High School Form 137 para sa mga nagtapos ng high school sa labas ng Metro Manila
• Course curriculum / curriculum checklist kung naka-enroll ng mababa sa 15 units
• PDAO endorsement at ID para sa priority/PWD scholars
• EVS o ESC Voucher / Certification para sa EVS o ESC graduates
• Application for graduation / Certificate of Candidace for Graduation (kung magtatapos sa kasalukuyang semestre
• Transcript of Records (sa mga kinakailangang pagkakataon)
• Original copy at isang photocopy ng Comelec stub na inilabas noong nakaraang eleksyon para sa mga aplikanteng bagong rehistro pa lamang at ang mga nag-apply para sa reactivation

News Image #2


Kung interesadong mag-apply bilang LANI scholar o kung may dagdag na katanungan, maaaring bumisita sa Taguig Scholarship Office sa 2nd floor ng Senator Rene Companero Cayetano Memorial Science and Technology High School na nasa BCDA Compound, Barangay Ususan, Taguig City o tumawag sa (02)82888560. Maaari ring mag-email sa [email protected].

(Mga larawan mula sa Taguig Scholarship Office)