Tatanggap ang Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTRFRB) ng aplikasyon ng mga Public Utility Vehicles (PUV) para makapagbiyahe sa pamamagitan ng special permit simul ngayong Disyembre 15, 2024.
(Larawan ni Dexter Terante)
Ito ay bilang paghahanda sa Kapaskuhan kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming tao sa daan. Ang mga special permits na ipapalabas ng LTFRB ay epektibo mula Disyembre 20 hanggang Enero 4, 2024.
"We are opening slots for special permits to ensure there are ample PUVs that would cater to commuters during the holidays," ang pahayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.
Inaprubahan na rin ng LTFRB ang 5, 000 slots para sa transport network vehicle services.
Hinikayat ni Guadiz ang mga mamamayan na sumakay lamang sa mga lehitimong sasakyang pampubliko at isumbong sa LTFRB ang mga umaabusong driver at operators. Ang kanilang hotlines ay 1342, 0917-550-1342 at 0998-550-1342.
Aplikasyon ng mga PUVs para sa Special Permit sa Pagba-Biyahe, Tatanggapin ng LTFRB Simula Disyembre 15, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: