Ibababa ng half-mast o nasa gitna ng flag pole ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng mga gusali ng pamahalaan dito sa loob ng Pilipinas at sa ibang bansa ngayong Nobyembre 4, 2024.
(Larawan mula sa Presidential Communications Office)
Ito ay makaraang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Nobyembre 4 bilang Day of National Mourning o Araw ng Pagluluksa sa mga nasawi dahil sa pagbayo ng Bagyong Kristine na naging dahilan ng pagkamatay ng 150 katao, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Huwebes.
May ilan pang nawawala at naapektuhan din ang buhay ng pitong milyong tao sa bansa.
Batay sa Proclamation 728 na ipinalabas ng Malakanyang noong Oktubre 30, 2024, hinihikayat ang lahat na alalahanin at ipagdasal ang mga biktima ng bagyong Kristine.
"The nation deeply mourns this tragic loss, and joins the families and loved ones of our departed brothers and sisters in this moment of immense sorrow. Now, therefore, I, Ferdinand R. Marcos, Jr., President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby declare 04 November 2024 as a Day of National Mourning, in solidarity with the bereaved families and loved ones of those who perished due to the devastation brought by Severe Tropical Storm Kristine," batay sa proklamasyon na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Araw ng Pambansang Pagluluksa, Idineklara Ngayong Nobyembre 4, 2024 ni Pangulong Marcos | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: