Arts at lights exhibition ang tampok ngayong Abril sa Bonifacio Global City sa kaganapang pinamagatang "Boni Viva Luci."

Ito ay isang arts and lights festival na magtatampok sa mga public artworks na mayroong lighting.

News Image #1


Sa Abril 6 hanggang 14, matutunghayan ang lighted version ng mga karakter ng Indigenous Wildlife Puppets ng Puppet Theater Manila.

Tampok din ang "LuminiSense: Our Place in the Cosmos" nina Joyce Sahagun Garcia, Ohm David, at Arvy Dimaculangan; at ang "Giant Dandelions" ni Olivia D'Aboville.

Kasama rin sa makikita rito ang "The Abyss" nina Winter David at Ohm David at ang "Reimagined Chandeliers" nina Ohm David at Mark Choa, na kung saan makikita ang mga higanteng bioluminescent na pugita at mga chandeliers na may LED tentacles.

Sa Glass Bridge naman ng BGC, makikita ang mga engkanto na bibigyang buhay ni Cheska Cartativo sa pamamagitan ng "Entanglement: Adarna to Bakunawa."

Matutunghayan din ang goddess of fertility and death sa pamamagitan ng "Mebuyan Cradle' ni Leeroy New, at ang "Into the Shadows and Heroes" na shadow play projections nina Sigmund Pecho, Ohm David, at Arvy Dimaculangan.

Ang mga likhang sining naman nina Isaiah Cacnio at Joyce Sahagun Garcia na may kinalaman sa natural na kapaligiran ang tampok sa pinamagatang "Celestial Waltz" at "Behold the Eclipse, Behold the Light," na makikita sa sikat na giant LED screens ng BGC sa panahon ng art festival.

Ang mga kamangha-manghang litrato naman na kinunan ng mga miyembro ng Camera Club of the Philippines na sina Fred del Rosario, Chito Viñas at Mark Bautista, ay maipapakita bilang projected images.

Isang Purple Terra rin na katatampukan ng mga maliliwanag na kulay ibeng ilaw na nakasabit sa mga puno ang maaaring lakaran ng mga bibisita sa kaganapan.

Ang "Boni Viva Luci" ay matutunghayan sa kabuuan ng Bonifacio High Street, Bonifacio High Street South, Terra 28th Park, The Mind Museum at sa BGC Arts Center.

(Larawan mula sa Bonifacio High Street Facebook Page)