Ang mga estudyante sa mga unibersidad ang personal na pinupuntahan ng Taguig City Health Office para sa kampanya sa pagpapalaganap ng kaalaman sa kanser sa dibdib.

News Image #1


Sa ikalawang bahagi ng "Ating Dibdibin Goes to U: University Caravan" mahigit sa 360 mga estudyante at mga tauhan ng Fisher Valley College sa Barangay Hagonoy ang dumalo rito noong Nobyembre 21, 2024.

News Image #2


Niliwanag ni Assistant City Health Officer at Ating Dibdibin Program Coordinator Dr. Maria Evelyn Lacsina ang mga karaniwang haka-haka sa kanser sa dibdib.

News Image #3


Tinuruan din ang mga dumalo sa seminar ng karampatang breast self-examination para sa mga kababaihan at kalalakihan.

Dumalo rin sa kaganapan ang breast cancer survivor at Pink Crusader na si Lady Milla, na ibinahagi ang kanyang karanasan.

"Kaya kayo, i-share niyo 'yung mga natutunan niyo dito at sabihin niyong h'wag silang matatakot pumunta sa mga center at lumapit sa patient navigators kasi nandiyan sila para gumabay at tumulong. Hindi sila nagsasawang tumulong. Mag-pray lang din tayo palagi at huwag mawawalan ng pag-asa," ayon kay Lady Milla.

Ang "Ating Dibdibin Program" ay kinilala kamakailan bilang 2024 Galing Pook Awardee ng Department of Interior and Local Government.

(Mga larawan ng Taguig PIO)