Pabagsak na sa pagitan ng Isabela at Aurora ang bagyong Nika na nasa typhoon category sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong alas 7:00 ng umaga, Nobyembre 11, 2024.
(Screenshot mula sa Radyo Pilipinas video)
Ang lokasyon ng sentro nito ay sa karagatan ng Dilasag, Aurora (16.4°N, 122.5°E).
Dala nito ang pinakamalakas na hanging aabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 180 kilometro kada oras at central pressure na 965 hPa.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras sa kanluran hilagang kanluran.
Ang hangin nito ay may lawak na 340 kilometro mula sa gitna.
Larawan ng PAGASA
Nakataas ang Signal Number 4 sa:
* Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
* Gitna at katimugang Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, San Agustin)
* Kalinga
* Mountain Province
* Hilagang bahagi ng Ifugao (Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista, Banaue, Hungduan, Hingyon, Lagawe), the central and southern portion of Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Luba, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Tubo, Danglas, Villaviciosa, La Paz, Licuan-Baay, Pilar, Malibcong, Pe, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub)
* Hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, San Esteban, Burgos, Santa Maria, Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Nagbukel, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Narvacan, Quirino, Cervantes, Sigay, Salcedo, Santa Lucia, City of Candon, Galimuyod, Gregorio del Pilar, Santa Cruz)
Signal number 3 naman sa:
* Gitnang bahagi ng Aurora (Dinalungan)
* Hilagang bahagi ng Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela), the northeastern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong)
* Nalalabing bahagi ng Isabela
* Timog-kanlurang bahagi ng Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat)
* Nalalabing bahagi ng Abra
* Nalalabing bahagi ng Ifugao
* Hilagang bahagi ng Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun), the southern portion of Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna)
* Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
Signal Number 2 naman sa:
* Hilaga-kanluran at silangang bahagi ng Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga)
* Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
* Nalalabing bahagi ng Quirino
* Nalalabing bahagi ng Apayao
* Nalalabing bahagi ng Benguet
* Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
* La Union
* Hilaga silangang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)
* Gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
* Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
Signal Number 1 naman sa:
* Babuyan Islands, at ang nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
* Nalalabing bahagi ng Pangasinan
* Nalalabing bahagi ng Aurora
* Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
* Bulacan
* Pampanga
* Tarlac
* Hilaga at gitnang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)
* Metro Manila
* Rizal
* Silangang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Pila)
* Hilaga at silangang bahagi ng Quezon (Infanta, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, Perez, Real, General Nakar, Calauag) kasama ang Pollilo Islands
* Hilaga-kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Capalonga, Santa Elena, Vinzons, Labo, Paracale, San Vicente, Talisay, Daet, Jose Panganiban)
Magiging napakalakas ng ulan sa mga sakop ng Signal Number 3 at 4 at magiging malakas ang mga pag-alon.
Aabot sa 8 metro ang alon sa Isabela at hilagang Aurora.
Ang bagyong Nika ay tinatayang babagsak ngayong umaga sa kalupaan ng Isabela o hilagang Aurora ngayong umaga at kikilos pakanluran hilagang kanluran hanggang sa Huwebes, Nobyembre 14.
Tinatayang lalabas ang bagyong Nika sa Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga o hapon, Nobyembre 12, 2024.
Aurora, Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Sur at Ifugao, Signal Number 4 Dahil sa Bagyong Nika | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: