Halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang babaeng nagtutulak nito sa isang buy-bust operation sa Barangay Central Signal, Taguig City kahapon ng madaling araw.

Si Salama Utto ay kinontak ng isang nagpanggap na bibili ng ipinagbabawal na gamot at inabutan ng ₱500 para sa bibilhin ditong droga sa Francis Street, Barangay Central Signal, kahapon ng alas 3:20 ng madaling araw.

News Image #1


Nang iabot na ang pera kay Utto ng nagpanggap na bibili ng ipinagbabawal na gamot, saka dinakma ang suspek ng nga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station.

Nakuha kay Utto ang 13 transparent ng plastic sachet na may puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu o methamphetamine hydrochloride.

Ang kabuuang halaga nito ay tinatayang nasa ₱408, 000.

"The continuous successful anti-illegal drug operations have reduced the proliferation of illegal drugs here in Southern Metro Manila and we assure you that we, your police will keep on conducting significant steps toward the prevention of harmful effects of drugs reaching the hands of vulnerable victims," ang pahayag ni Police Brig. General Roderick Mariano, Director ng Southern Police District, makaraan ang matagumpay na operasyon.

(Photo by Taguig Police)