Isang babaeng German national ang nakadetine ngayon sa Bureau of Immigration (BI) Detemtion Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City dahil sa kasong pang-aabusong sekswal sa mga bata, panggagahasa at pagkunsinti sa asawa nitong German na nang-abuso ng mga bata.

News Image #1

(Larawan mula sa BI)

Naaresto si Evangeline Schmidt, 48 taong gulang. Sa Katipunan Avenue, Quezon City noong Nobyembre 8, 2024, ng mga tauhan ng BI fugitive search unit (FSU).

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na si Schmidt at ang asawa nitong German ay nang-abuso sa mga bata mula 2004 hanggang 2009.

"Reports state that she allegedly tolerated the abuse of children so she could continue to receive financial support from her husband and finance her lavish lifestyle," ayon kay Viado.

Mayroong Interpol red notice na inilabas laban kay Schmidt noong 2023, isang taon naman makaraang ilabas ng lokal na korte sa Darmstadt, Germany ang kanyang warrant of arrest.

Kabilang sa mga kaso nito ang sexual abuse of children, sexual abuse of persons in a dependent position, aggravated sexual abuse of children, at rape.

Ipapatapon papuntang Germany si Schmidt at ilalagay na sa blacklist ng BI.