Isang babae ang nabangga ng ambulansya sa service road ng C5 Phase 1, Barangay Pinagsama, Taguig City noong bandang alas 7:35 ng gabi, Oktubre 7.



Napag-alaman na tumatawid ang 40 taong gulang na call center agent na nakilala lamang sa pangalang Hersun, nang mahagip siya ng isang ambulansya ng Barangay Katuparan na minamaneho naman ng isang nagngangalang Ronnie.

News Image #1


Papunta sana ang ambulansya sa Taguig Pateros District Hospital.

News Image #2


Tumama ang ulo ng babae sa kalsada, dahilan upang hindi na siya umabot sa pagamutan.

(Video mula kay Vlog Moto Medic)