Babala sa mga buma-biyahe at naglalagay ng kanilang kagamitan sa overhead compartment ng eroplano.

Isa sa tatlong Chinese nationals na sinasabing miyembro ng mga magnanakaw sa eroplano ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Sabado, Setyembre 14, 2024.

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Nahuli ng mga flight attendants ng Philippine Airlines (PAL) si Lyu Shuiming, 48 anyos, na nasa aktong kinukuga ang mga mahahalagang gamit sa handbag ng isang Pilipinang judge na inilagay nito sa overhead compartment ng eroplano habang nagba-biyahe mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binuksan umano nito ang overhead stowage bin upang kunin ang bag na pag-aari ng hukom. Nakit ito mismo ng mga airline personnel na hinahalungkat ang bag ng hukom at kinuha ang mga gamit nito.


Pagdating sa NAIA, ini-report agad ng mga flight attendants ng PAL ang insidente sa mga otoridad at naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) si Lyu, habang nakumpiska rito ang cash na P63, 000 at iba pang kagamitan na pagmamay-ari ng hukom. Natagpuan na si Lyu ay may balidong bisa para makapasok sa Pilipinas.

Nakatakas naman ang mga kasama ni Lyu na sina Xu Xianpu, 41 taong gulang at Xie Xiaoyong, 54 taong gulang na nakasakay agad sa kanilang connecting flight sa Hong Kong.

Inilagay na ang tatlo sa blacklist ng Pilipinas at hindi na muling makakapasok ang mga ito sa bansa.