Itinaas na ang signal number 5 sa Babuyan Islands habang papalapit sa pag-landfall ang super typhoon Egay (international name: Doksuri) bukas ng umaga (Miyerkules, Hulyo 26).

Sa pinakahuling ulat-panahon kaninang alas 8:00 ng gabi (Hulyo 25, 2023), napanatili ng super bagyong Egay ang lakas nito na 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hanging 230 kilometro kada oras habang nagbabanta sa Hilagang Luzon.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na ang sentro ng mata ng super typhoon Egay ay nasa 135 kilometro silangan, hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

News Image #1


Mabagal ang pagkilos nito sa labinglimang kilometro kada oras.

Ang malakas na hanging dala ng bagyo ay sumasakop sa 680 kilometro palabas mula sa gitna. Lalong pinalalakas ang mga ulan dahil naman sa habagat.

Nakataas pa rin ang signal number 4 sa hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, at Santa Praxedes).

Signal number 3 naman sa hilaga-silangang bahagi ng
Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini), sa iba pang bahagi ng Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), Batanes, at ang hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, at Danglas).

Signal number 2 sa nalalabing bahagi ng Isabela, hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Quirino, nalalabing bahagi ng Kalinga, hilaga-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, at Bayombong), Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng Abra, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok) hilagang bahagi ng La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, at Santol)

News Image #2


Signal number 1 naman sa Metro Manila, hilaga at gitnang bahagi ng Quezon Province (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, at San Antonio) kasama ang Polillo Islands, at nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Vizcaya, Benguet, at La Union.

Signal number 1 din sa Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, Camarines Norte, hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi), hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran) at hilagang bahagi ng Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, at Lipa City).

News Image #3

Nagbabala ang PAGASA ng malakas na pag-ulan lalo na sa mabundok na mga lugar. Inaasahang magkakaroon ng pagguho ng lupa at pagbabaha kaya't pinapayuhan ang mga nasa paanan ng bundok o mabababang lugar na magsilikas na.

Inaasahan din ang pag-ulan at malakas na hangin sa mga lugar sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at ang hilagang bahagi ng Northern Mindanao at Caraga dahil sa pinagsanib na lakas ng super typhoon Egay at ng habagat.

(Photos from PAGASA)