Binuksan na ang bagong barangay hall, barangay health center at satellite office ng Taguig City Hall sa Barangay Calzada-Tipas, Taguig City, noong Pebrero 2, 2024.
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Ian Alit, Congressman Ading Cruz at Kapitan Ome Tanyag ang pagpapasinaya sa mga bagong pasilidad na naitayo sa pamamagitan ng tulong ni Senador Alan Peter Cayetano.
Ang mga bagong kagamitan sa loob ng pasilidad ay mula sa pamahalaang lungsod ng Taguig.
Mayroon ding bagong e-library ang barangay na maaaring gamitin ng libre ng mga estudyante ng Barangay Calzada Tipas.
Maaari rin silang magpa-print at photocopy ng hanggang sampung pahina bawat estudyante sa naturang e-library.
Sa mensahe ni Mayor Cayetano, hiniling nito sa mga namamahala sa Barangay Calzada Tipas na lalo pang paghusayin ang pagsisilbi sa mga mamamayan ng barangay.
Kasama rin sa pasinaya sina Konsehal Jimmy Labampa, Konsehal Gamie San Pedro, Konsehal Totong Manosca, Sangguniang Kabataan Chairman Jazzel Sanga at ang konseho nito.
(Mga larawan mula sa Facebook Pages ni Mayor Lani Cayetano at Barangay Calzada Tipas)
Bagong Barangay Hall, Health Center at Satellite Office ng Taguig City Hall, Binuksan na sa Barangay Calzada Tipas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: