Isang gusali na magsisilbing evacuation center sa panahon ng kalamidad o delubyo ang binuksan sa Barangay Ibayo-Tipas kamakailan.
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagbubukas ng gusali na mayroon ding ibang gamit - bilang palaruan, lugar ng pagpupulong at iba pa.
Ang gusali ay mayroong covered basketball court na may mga upuan, office room at palikuran. Maaari rin itong gamitin ng mga taga-Barangay Ibayo-Tipas sa iba pang mga okasyon.
Binabalak ng pamahalaang lungsod na lumikha pa ng karagdagang mga multipurpose buildings sa kanilang siyudad para mapagsilbihan ang mga mamamayan ng Taguig.
Samantala, binuksan na rin ang Super Health Center sa Barangay Ligid-Tipas na mayroong tatlong palapag.
Ito ay laging bukas, araw-araw beinte kuatro oras na magsisilbing konsultahan, paanakan, at iba pang serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Taguig City.
(Larawan mula sa Taguig City PIO)
Bagong Evacuation Center sa Taguig, Binuksan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: