Bagong kaalaman sa siyensya at teknolohiya ang nakita at napag-aralan sa isinagawang 2023 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) ng Department of Science and Technology - National Capital Region (DOST-NCR) sa SM Aura sa Taguig City kamakailan.
Sa temang "Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na kinabukasan," naiangat ang kahalagahan ng siyensya, teknolohiya at inobasyon sa pagkakaroon ng kinabukasang kayang harapin ang lahat.
Naging panauhing pandangal sa pagbubukas ng tatlong araw na kaganapan si Taguig City Mayor Lani Cayetano. Sinabi niyang ang tema ng RSTW ngayong taong ito ay kahalintulad ng kanilang adhikain sa Taguig na isang nagbabago, buhay at mapag-alagang siyudad na ang hangarin ay magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mamamayan.
Kabilang sa naganap dito ay ang mga exhibit ng mga teknolohiya at inobasyon sa siyensya, mga hands-on interactive demonstration, panel discussion at iba pa.
Kasama rin sa seremonya ng pagbubukas sina DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang; at DOST-NCR Regional Director Engr. Romelen T. Tresvalles.
(Mga larawan mula sa DOST)
Bagong Kaalaman sa Siyensya at Teknolohiya sa DOST-Taguig Event | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: