Sarado na ang The Fort Strip sa Bonifacio Global City (BGC) subalit wala pa ring anunsyo kung saan lilipat ang mga establisamyentong nagsara at kung ano ang gagawin sa kinatitirikan nito.

News Image #1

(Larawan mula sa Bonifacio Global City Facebook Page)

Isa sina Taguig City Mayor Lani Cayetano at Senador Alan Peter Cayetano sa mga nag-ikot sa lugar at sinariwa ang mga panahong nasa kasagsagan ng kasikatan ang unang lugar ng kasiyahan na naitayo sa BGC.


"Quick lunch turned into a heartwarming trip down memory lane!" ang nakasaad sa post ni Mayor Cayetano sa kanyang Facebook Page na Lani Cayetano.

News Image #2

(Larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)

"Lumibot kami saglit sa The Fort Strip kasama nila Doc Ces, City Admin JGM, Kuya Alan, at ang sweet couple na sina Chi at Kap Jorge. Nakakatuwang malaman na dito pala naganap ang kanilang unforgettable first date," dagdag pa ni Mayor Cayetano.

News Image #3

(Larawan mula sa FB Page: Lani Cayetano)

Aniya ang The Fort Strip ay isa sa mga kauna-unahang paboritong recreational places sa BGC.

"Go to place ito para sa iba't ibang okasyon-mula sa meetings ng Taguig leaders, lunch with family and friends, hanggang sa date nights. Saksi po ang strip na ito sa happy memories ng Taguigueño at ang pagunlad ng BGC bilang isa sa business capitals ng bansa," ayon kay Mayor Cayetano.

Sinabi ng alkalde na bagaman at nakakalungkot na gigibain na ang mga establisamyento sa The Fort Strip, kaabang-abang naman ang magiging susunod na kabanata nito.

"Salamat sa lahat ng mga establishments, na unang nag invest dito na nagbigay trabaho sa madami nating kababayan," pqgtatapos ni Mayor Cayetano.

Inanunsyo ng BGC sa kanilang Facebook Page noong Disyembre 11, 2024 ang pagsasara ng The Fort Strip simula Enero 1, 2025.