Itatayo ang isang bagong monumento sa Avida Promenade Park sa Bonifacio Global City, Taguig, na magbibigay pugay sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino.

Ang monumento ay itatayo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bases and Coversion Development Authority (BCDA) AT Bonifacio Arts Foundation Incorporated (BAFI).

Ang "Bantayog ng Kabayanihan ang sisimbolo sa mga sakripisyo at kabayanihan ng mga sundalong Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan at kapayaan. Ito rin ay para sa mga sundalong patuloy na nakikipaglaban at inilalaan ang kanilang buhay para maprotektahan ang bansa at mapagsilbihan ang mga mamamayang Pilipino.

"It aims to awaken the sense of patriotism of Filipinos, and to help them realize that addressing insurgency and social issues is a shared responsibility," ayon kay Lt Col. Enrico Gil C. Ileto, hepe ng AFP public affairs office.

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan para rito nina Brig. Gen. Arvin Lagamon, commander ng AFP Civil Relations Service (CRSAFP); Atty. Gisela Kalalo, Executive Vice President at Chief Operations Officer ng BCDA; Fort Bonifacio Development Corp. (FBDC) Chief Financial Officer Maria Lourdes Reyes at Chief Operating Officer Alfonso Javier D Reyes; at BAFI Managing Director/Curator Maria Isabel Garcia.

News Image #1


"This monument will keep the soldiers inspired, motivated especially those who are in the isolated distant posts, those who are manning the isolated islands at the West Philippine Sea, our personnel who are patrolling the skies, seas and streets and our personnel who have to leave their respective families not knowing if they will be able to return safely," ayon kay Lagamon.


Ang "Bantayog ng Kabayanihan" ang magiging ikalawang makasaysayang rebulto na itatayo sa BGC bilang pagpupugay sa mga sundalo.

Una nang itinayo rito ng BCDA, Fort Bonifacio Development Corporation (FBDC) at BAFI ang "Alab ng Puso," na nagpapakita naman ng isang Pilipinong sundalong nagbabasa ng liham mula sa kanyang pamilya habang nasa tabi nito ang kanyang armalite. Ito ay nilikha ng iskultor na si Daniel dela Cruz. Sa likod nito ay nakasulat ang titik ng "Lupang Hinirang" at sa hagdan naman ay nakasulat ang mga salitang "pagmamahal," "sakripisyo," "kalayaan," "kapayapaan," at "pagasa" sa iba't ibang dayalekto. Ito ay matatagpuan sa One Bonifacio High Street Park.

News Image #2


(Photos by AFP)