Libo-libo katao sa Los Angeles community ng Castaic ang pinalikas na makaraang sumiklab ang bagong wildfire malapit dito na tumutupok na sa may 9,400 acres ng kagubatan.
(Screenshot mula sa video ni Karina Ramos ng FB Page: Digital Filipina)
Ang tinaguriang Hughes Fire ay sumiklab ng 10:30 ng umaga nitong Miyerkules, Enero 22, 2025 (LA time) malapit sa Castaic Lake, sa may Lake Hughes Road, sa hilaga ng Castaic Reservoir Road.
(Larawan ng Castaic Lake mula sa SantaClarita.com, ang sister website ng Taguig.com)
Sa ngayon ay 0% contained ito o hindi pa rin ganap na naaapula ng mga pamatay sunog.
Sinabi ni LA County Fire Chief Anthony Marrone na nagpadala sila ng humigit kumulang 4,000 tauhan dito.
Ilang mga Pilipino ang nakatira sa lugar, ayon sa ulat ni Karina Ramos ng website at Facebook Page na Digital Filipina https://www.facebook.com/share/1Bs9rSXs9U/?mibextid=wwXIfr
Kasama sa lumikas ang kanyang anak na lalaking nasa Castaic.
Ang komunidad ng Castaic ay nasa hilaga-kanlurang Los Angeles County, mga 15 milya sa hilaga-kanluran ng Santa Clarita at katabi lamang ng Angeles National Forest.
Ang Santa Clarita Valley ang kinalulugaran ng Six Flags Magic Mountain, at sa ngayon ay kitang-kita mula rito ang makapal na usok mula sa Hughes Fire.
Bagong Sunog Sumiklab sa Los Angeles Community ng Castaic; Pinalikas ang Libo-Libong Tao Kabilang ang Ilang Pilipino | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: