Bahagyang humina ang bagyong Bebinca na tatawaging Ferdie kapag nakapasok na ito sa Philippine Srea of Responsibility (PAR).

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

Sa kabila nito, magkakaroon pa rin ng malakas na pag-ulan dulot naman ng Habagat.

Sa pinakahuling data ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronimical Administration (PAGASA), ang bagyonf Bebinca ay nasa 1, 725 kilometro silangan ng pinakadulo ng Hilagang Luzon.

Ang dala nitong hangin ay 95 kilometro malapit sa gitna at ang pagbugso ay 115 kilometro kada oras. Patungo ito sa hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Partikular na naaapektuhan ng pag-ulan at ang Mindanao, Visayas at maging ang Palawan.

Inaasahang papasok sa PAR ang bagyong Bebinca na magiging bagyong Ferdie kapag nakapasok na sa bansa bandang hapon ngayong Biyernes. Lalabas naman ito sa PAR ng kalaliman ng gabi sa Biyernes o Sabado ng umaga.

Sa kabuuan ng pagpasok ni Bebinca sa bansa, sinabi ng PAGASA na malayo ito sa kalupaan.