Mula sa pagiging super typhoon, bumaba na sa kategoryang typhoon ang bagyong Carina habang patungo sa baybayin ng Taiwan.
Sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kagabi ng alas 11:00 (Hulyo 24, 2024), ang sentro ng bagyong Catina ay nasa 335 kilometro sa hilaga ng Itbayat, Batanes.
May lakas ang hangin nito na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna atay pagbugso na hanggang 215 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras patungong timog kanluran.
Malawak ang sakop ng bagyo na hanggang 700 kilometro mula sa gitna.
Nakataas ang Signal Number 2 sa Batanes.
Signal number 1 naman sa Babuyan Islands, kanlurang bahagi ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga), at ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams).
Lumiit na ang tsansang magdala ng malakas na pag-ulan ang bagyong Carina sa bansa subalit ang habagat na pinalakas ng bagyong Carina ang magdadala pa rin ng katamtaman hanggang sa napakalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon ngayon hanggang Sabado.
Kabilang sa mga uulanin pa rin ngayong Hulyo 25, 2025 ay ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Quirino, silangang bahagi ng Isabela, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Occidental, at ang Northern Samar
Sa Biyernes naman, Hulyo 26, ang patuloy na makakaranas ng pag-ulan ay ang Metro Manila, Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Quirino, silangang bahagi ng Isabela, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, atWestern Visayas.
Sa Sabado, Hulyo 27, ang makakaranas ng pag-ulan ay ang Batanes, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Marinduque, Romblon, Lubang Island, at Kalayaan Islands.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong Carina sa Taiwan ngayong umaga ng Hulyo 25 bago lumabas ng tuluyan sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa labas ng PAR, ang bagyong Carina ay tatawif sa Taiwan Strait at ang huling landfall ay sa timog-silangang bahagi ng China ngayong hapon o gabi.
(Mga larawan mula sa PAGASA)
Bagyong Carina, Humina Habang Patungo sa Taiwan Subalit Pinalakas ang Habagat sa Pilipinas; Ang mga Pag-ulan sa Bansa ay Tatagal Hanggang Sabado | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: