Nag-landfall na kaninang alas 3:10 ng madaling araw (Hulyo 26) ang typhoon na si Egay (international name: Doksuri sa hilagang bahagi ng Pilipinas habang nagbabanta ang mga pagbaha, pagguho ng lupa at malalakas na alon sa Luzon.

Bumagsak ang bagyong Egay malapit sa isla ng Fuga, sa may Babuyan Islands.

Muli itong bumagsak sa lupa sa Dalupiri Island sa bahagi ng Aparri, Cagayan at Babuyan Islands sa dulong hilaga ng Luzon.

Bagaman at humina ito mula sa kategoryang super typhoon, napanatili ng bagyong Egay ang lakas ng hangin nitong 220 kilometro bawat oras.

News Image #1


Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, ito ay kahalintulad ng category 4 Atlantic hurricane.

Ang lakas nito ngayon ay nasa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong 240 kilometro kada oras.

Mabagal pa rin ang pagkilos nito patungong timog-kanluran sa 15 kilometro kada oras.

Ang sakop ng bagyo ay nasa 700 kilometro mula sa gitna.

Sa ngayon, ang signal number 4 ay nasa hilagang bahagi ng Cagayan (Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) including Babuyan Islands, the northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Pasuquin, Vintar, at Bacarra).

Signal Number 3 naman sa
Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan at Apayao, at ang hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas, Bangued, La Paz, San Juan, Dolores, Tayum, Lagangilang, Malibcong, Licuan-Baay, Peñarrubia, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bucay, San Isidro, at Sallapadan), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte,at Ilocos Sur (Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Vicente, Santo Domingo, San Ildefonso, Bantay, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, at Narvacan)

Signal number 2 sa Isabela, nalalabing bahagi ng Kalinga, Ilocos Sur at Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, at Pangasinan (Sison, San Jacinto, Pozorrubio, San Fabian, Dagupan City, Calasiao, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Mabini, Labrador, Infanta, Dasol, Burgos, Agno, City of Alaminos, Sual, Anda, Bolinao, Bani, San Manuel, Binalonan, Laoac, Manaoag, Mangaldan, Mapandan, Santa Barbara, at San Nicolas).

News Image #2



Signal number 1 sa Metro Manila, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, the rest of Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Laguna, the northern portion of Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City), Quezon Province (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio) kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi), at Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran).

May 8, 849 na pasahero naman ang stranded ngayon sa iba't ibang pantalan sa bansa lalo na sa Luzon at sa Visayas.

Ilang domestic flights din ang nagkansela ng paglipad.

(Photos from PAGASA)