(UPDATED) Patuloy na lumalakas ang bagyong Egay (international name: Doksuri) habang kumikilos patungong hilaga at hilagang kanluran ng bansa kaninang alas kuatro ng hapon, Hulyo 24, 2023. Pinalalakas pa ito lalo ng habagat.
Inaasahang ding magiging supertyphoon ang kategorya ni Egay sa hapon o gabi ng Martes, Hulyo 25 o sa umaga ng Miyerkules, Hulyo 26.
Sa ngayon, ang sentro ng mata ng Typhoon Egay ay tinatayang nasa 500 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora. May dala itong hanging 155 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may pagbugso na hanggang 190 kilometro kada oras at ang central pressure nito ay nasa 955 hPa.
Mabagal ang paggalaw ng bagong Egay na nasa 10 kilometro kada oras patungo sa hilaga, hilagang kanluran ng bansa.
Sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, maaaring daanan ng bagyo ang Luzon Strait at saka magla-landfall o dadaan ng napakalapit sa bahagi ng Babuyan Islands - Batanes bukas ng magha-hatinggabi o sa Miyerkules ng umaga. May posibilidad din na mag-landfall ito sa hilaga-silangang bahagi ng Cagayan kapag nagbago ang takbo nito bunga ng ridge of high pressure sa hilaga ng bagyo.
Apektado ngayon ng pag-ulan at malakas na hangin ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Catanduanes, silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi), hilagang bahagi ng Camarines Norte (Calaguas and Maculabo Islands), silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagñay), Isabela, hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Quirino, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, gitna at silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc), silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag), silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Lagawe, Banaue, Hingyon, Lamut), gitna at silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagangilang, San Juan, Dolores, Lagayan, Danglas, La Paz, Daguioman, Boliney, Bucloc, Licuan-Baay, Sallapadan, Tayum, Bucay, Bangued, Peñarrubia, Manabo, Tubo), Ilocos Norte at Batanes
Sa Visayas naman, ang hilaga-silangang bahagi ng Northern Samar (Laoang, Palapag) ang tatamaan ng bagyo.
Itinaas na ang Signal Number 2 sa Catanduanes, silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi) hilagang bahagi ng Camarines Norte (Calaguas and Maculabo Islands), silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagñay), Isabela, hilaga at gitnang bahagoi ng nAurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), Quirino, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, gitna at silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc), silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag), silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Lagawe, Banaue, Hingyon, Lamut)
gitna at silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagangilang, San Juan, Dolores, Lagayan, Danglas, La Paz, Daguioman, Boliney, Bucloc, Licuan-Baay, Sallapadan, Tayum, Bucay, Bangued, Peñarrubia, Manabo, Tubo), Ilocos Norte at Batanes.
Itinaas din ang signal number 2 sa hilaga-silangang bahagi ng Northern Samar.
Signal number 1 naman sa mga sumusunod: Sorsogon, Camarines, Sur, Camarines Norte, Abra, Mountain Provincem, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quezon kasama ang Polillo islands, Aurora, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Marinduque, gitna at silangang bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando), at sa hilaga at gitnang bahagi ng Batangas.
Signal number 1 din sa Eastern Samar, sa iba pang bahagi ng Northern Samar, sa mismong Samar ar Biliran, Leyte, at hilagang bahagi ng Cebu.
Inaasahang lalabas ng Pilipinas ang bagyong Egay patungong Taiwan Strait at magla-landfall sa Fujian, China sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.
Binabalaan ang mga maliliit na sasakyang dagat sa paglalayag sa panahon ng bagyo, lalo na sa katubigan sa bahagi ng Katimuhang Luzon, Visayas at ang silangang bahagi ng Mindanao.
(Mga Lawaran mula sa PAGASA)
Bagyong Egay, Posibleng Maging Supertyphoon Bukas o Miyerkules | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: