Lalabas na ng bansa ngayong umaga ang Bagyong Enteng subalit nahihila nito ang Habagat na magiging dahilan pa rin ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
(Larawan ng PAGASA)
Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA kagabi ng alas 11:00, Setyembre 3, 2024, namataan ang Severe Tropical Storm na Enteng 210 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Laoag City. May dala itong hanging 95 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 115 kilometro kada oras.
Mabagal itong kumikilos sa kanluran, hilagang kanluran sa 10 kilometro kada oras.
Nakataas ang babala bilang isa batay sa lakas ng hangin sa mga sumusunod:
Ilocos Norte, Ilocos Sur, hilagang bahagi ng La Union (Luna, Santol, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan, San Fernando), at Abra.
Uulanin sa hapon ng Setyembre 4 ang Ilocos Norte at Ilocos Sur na may 20 hanggang 100 milimetro ng ulan. Tatamaan nito ang mga matataas o mabundok na lugar kaya't nagbabala ang PAGASA sa posibilidas ng pagguho ng lupa at pagbabaha.
Nagbabala rin ang PAGASA na ang pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat ang magbibigay ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon partikular ang kanlurang bahagi sa susunod na tatlong araw.
Ang pinalakas na Habagat ay magdadala ng malakas na bugso ng hangin at ulan ngayong Setyembre 4 sa mga sumusunod na lugar:
Ilocos Region, Abra, Benguet, Isabela Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island, at Northern Samar.
Sa Huwebes naman, Setyembre 5 ay sa:
Ilocos Region, Isabela, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island, at Northern Samar.
Nagbabala rin ang PAGASA sa pagba-biyahe lalo na ng maliliit na sasakyang pandagat dahil sa maalong karagatan at malakas na hangin.
Bagyong Enteng, Lalabas na ng Bansa Ngayong Umaga; Uulanin Pa rin ng Malakas ang Metro Manila at Kanluran ng Luzon Dahil sa Pinalakas na Habagat | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: