Napanatili ng Tropical Storm na si Enteng (international name: Yagi) ang kanyang lakas habang mabagal na nagtutungo sa hilaga-hilagang kanluran sa karagatang nasa silangan ng Polillo Islands sa Quezon Province.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang alas 8:00 ng umaga (Setyembre 2, 2024), ang lokasyon ng gitna ng bagyo ay nasa 100 kilometro hilaga-hilagang kanluran ng Daet, Camarines Norte o 115 kilometro silangan-hilagang silangan ng Infanta, Quezon.
Ang pinakamalakas na dalang hangin nito ay 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras.
Ang galaw nito ay patungong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Signal number 2 na sa mga sumusunod:
LUZON:
Hilaga-silanganh bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, San Lorenzo Ruiz, Talisay, Daet, Labo, Paracale, Jose Panganiban, San Vicente, Basud, Mercedes, Santa Elena, Capalonga), hilaga-silangang bahagi ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Goa), Cagayan (Pe, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Ana, Lasam, Santo Nino, Alcala, Amulung, Solana, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Aparri, Ballesteros, Camalaniugan, Allacapan, Piat, Tuao, Rizal, Abulug, Pamplona) kasama ang Babuyan Islands, silanganh bahagi ng Isabela (Santa Maria, Santo Tomas, Cabagan, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Burgos, Luna, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, Echague, Jones, San Agustin, Angadanan, San Guillermo, San Pablo, Maconacon, Tumauini, Ilagan City, Palanan, Divilacan, San Mariano, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue, Cabatuan, Aurora, San Manuel, Mallig, Quezon, Roxas), the hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan), Polillo Islands, the eastern portion of Quirino (Maddela), the northern portion of Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Calanasan), and the silangang bahagi ng Kalinga (Rizal)
Signal number 1 naman sa mga sumusunod:
LUZON:
Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan (Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, San Nicolas), Abra, ang nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, ang iba pang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, silangang bahagi ng Pampanga (Candaba), silangang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Jose del Monte, Obando, Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bustos, Baliuag, Pandi, Santa Maria, Marilao, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel), Metro Manila, Rizal, Laguna, silangang Batangas (San Juan), nalalabing bahagi ng Quezon, Marinduque, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, at ang hilagang bahagi ng Masbate (City of Masbate, Aroroy, Baleno) kasama ang Ticao at Burias Islands.
(Mga larawan mula sa PAGASA)
Bagyong Enteng, Napanatili ang Lakas; Signal Number 1 sa Metro Manila | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: