Lumabas na kahapon ng alas 9:00 ng umaga (Oktubre 1, 2024) ang bagyong Julian sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Gayunman, maaari itong muling bumalik sa PAR ngayong Miyerkules. Ayon sa PAGASA, magbabalik (recurve) ang bagyong Julian simula umaga ng Oktubre 2, at papasok muli sa PAR ng hapon o gabi.
(Larawan mula sa PAGASA)
Magla-landfall ito sa timog-kanlurang bahagi ng Taiwan ngayong gabi o sa Huwebes ng umaga, Oktubre 3. Maaaring muling umalis sa PAR ang bagyong Julian ng Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.
Inaasahan ang malakas hanggang sa mala-bagyong hangin na sasakop sa 560 kilometro mula sa gitna.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA alas 11:00 kagabi, Oktubre 1, 2024, humihina ang bagyong Hulian habang lumalapit sa Taiwan Strait na nasa timog-kanluran ng Taiwan. Ang sentro ng mata nito ay nasa 270 kilometro kanluran-hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng PAR.
Ang hanging dala nito ay nasa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at ang pagbugso ay nasa 230 kilometro kada oras.
Sa ngayon ay nasa Signal Number 1 ang Batanes, Babuyan Islands, mainland Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Delikado pa rin ang pumalaot sa mga panahong ito.
Bagyong Julian, Nag-Exit na Kahapon, Babalik sa Philippine Area of Responsibility Ngayong Oktubre 2, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: