Posibleng maging super typhoon ang bagyong Julian sa mga susunod na araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration's (Pagasa).
(Larawan ng PAGASA)
Sa ngayon, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Babuyan Islands, kasama ang hilaga-silangang bahagu ng Isabela, at ang silangang bahagi ng Apayao. Inaasahang makakaranas ang lugar ng 39 kilometro kada oras hanggang 61 kilometro kada oras na hangin.
Signal Number 1 sa mga sumusunod:
Cagayan kasama ang Babuyan Islands, hilaga-silangang bahagi ng Isabela (San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City, San Mariano), at ang silangang bahagi ng Apayao (Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora).
Kagabi ng alas 11:00, ang sentro ng bagyong Julian ay nasa 400 kilometro silangan ng Basco, Batanes at may dalang hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 kilometro kada oras.
Gumagalaw ito patungo sa timog-timog-kanluran sa Philippine Sea, sa silangan ng Babuyan Islands, sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Posibleng ngayong Sabado ng umaga ay ilagay na sa kategoryang tropical storm ang bagyong Julian bago magiging typhoon sa darating na Linggo.
Ngayong Sabado, Setyembre 28, maaapektuhan ng pag-ulan ang Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.
Sa Linggo, Setyembre 29, apektado ng pag-ulan ang Aurora, CALABARZON, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Bicol Region, Aklan, at ng hilagang bahagi ng Antique.
Sa Lunes naman, Setyembre 30, magkakaroon ng pag-ulan sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Aurora, CALABARZON, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, at Bicol Region.
Bagyong Julian, Posibleng Maging Super Typhoon, Ayon sa PAGASA | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: