Update sa bagyong Julian (international name: Krathon) ngayong 11:00 am, Setyembre 30, 2024:
Posibleng maging super typhoon ang bagyong Julian ngayong hapon o mamayang gabi.
Dumaan na ang tropical cyclone Julian malapit sa Sabtang Island, Batanes.
Ang hanging dala nito ay nasa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may pagbugsong hanggang 240 kilometro kada oras. Ang central pressure nito ay nasa 940 hPa.
Mabagal itong gumagalaw sa 10 kilometro kada oras patungong hilaga-hilagang kanluran, kung saan ang hanging ga-bagyo ay may lawak na 580 kilometro.
Sa ngayon, Signal Number 4 sa:
Batanes at hilagang Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)
Signal Number 3 sa iba pang bahagi ng Babuyan Islands at ang hilaga-silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana).
Signal number 2 sa:
Iba pang bahagi ng Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, at sa hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao)
Signal number 1 naman sa
Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad), at sa Polillo Islands.
Ang bagyong Julian ay gagalaw tungo sa kanluran, hilagang kanluran sa Bashi Channel ngayong araw na ito at liliko bukas, Oktubre 1, 2024 at magtutungo naman sa timog-silangang baybayin ng Taiwan kung saan tinatayang magla-landfall ito sa Miyerkules, Oktubre 2.
Maaring lumabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes.
Bagyong Julian, Posibleng Maging Super Typhoon Ngayong Hapon o Gabi (Setyembre 30, 2024) | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: