Hindi pa bumabagsak sa lupa ang bagyong Kristine subalit marami na itong napalubog na mga lugar sa Bicol Region.

News Image #1

(Larawan mula kay Onuj Marquez ng Camella del Rosario sa Naga City)

Ang tuloy-tuloy na pag-ulan ay naging dahilan ng pag-apaw ng mga ilog at pagbabaha at pagguho ng lupa sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon kung saan nakataas ang Signal Number 2.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - Bicol, noong Oktubre 21, 2024 pa lamang ay malakas na ng ulan sa Bicol Region. Marami sa mga taniman at mga bahay na gawa sa kahoy at nipa ang nasira na, bukod sa maraming daan ang hindi madadaanan ng anumang uri ng sasakyan.

News Image #2

(Larawan mula sa KMP-Bicol)

Sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA kagabi ng alas 11:00, ang sentro ng bagyong Kristine ay nasa 345 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Daet, Camarines Norte o 475 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon.

Ang dala nitong hangin ay nasa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong umaabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilosi to patungo sa hilaga-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras. Ang lawak ng malakas nitong hangin ay aabot sa 760 kilometro mula sa gitna.

Nakataas na ang Signal Number 2 sa:
• Katimugang bahagi ng mainland Cagayan (Peñablanca, Enrile, Tuguegarao City)
• Isabela
• Hilaga-silangang bahagi ng Quirino (Maddela)
• Hilaga-silangang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
• Catanduanes
• Silangng bahagi ng Camarines Norte (Basud, Daet, Talisay, Vinzons, Paracale, Mercedes)
• Silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Tinambac, Siruma, Lagonoy, Goa, San Jose, Saglay, Tigaon)
• Silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi)
• Silangang bahagi ng Sorsogon (Barcelona, Gubat, Prieto Diaz)
• Hilaga-silangang bahagi ng Northern Samar (Palapag, Mapanas, Gamay, Laoang, Catubig, Lapinig, Pambujan, San Roque)
• Hilagang bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, San Policarpo, Arteche)


Ang Signal Number 1 naman ay nakataas sa:
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Batanes
• Ang nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
• Ang nalalabing bahagi ng Quirino
• Nueva Vizcaya
• Ang nalalabing bahagi ng Aurora
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Zambales
• Bataan
• Pampanga
• Bulacan
• Metro Manila
• Cavite
• Laguna
• Batangas
• Rizal
• Quezon kasama ang Pollilo Islands
• Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands
• Oriental Mindoro
• Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
• Marinduque
• Romblon
• Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
• Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
• Nalalabing bahagi ng Albay
• Nalalabing bahagi ng Sorsogon
• Calamian Islands
• Aklan
• Capiz
• Hilagang bahagi ng Antique (Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi) kasama ang Caluya Islands
• Hilagang bahagi ng Iloilo (Sara, Batad, San Dionisio, Carles, Estancia, Balasan)
• Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• Nalalabing bahagi ng Northern Samar
• Samar
• Leyte
• Biliran
• Southern Leyte
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte kasama ang Siargao - Bucas Grande Group

Tinatayang kikilos ang Bagyong Kristine patungong hilaga-kanluran hanggang mamayang Miyerkules ng gabi bago magtungo sa kanluran.

Tinataya ring babagsak ito sa kalupaan ng Isabela o Hilagang Aurora ngayong Miyerkules ng gabi o Huwebes, Oktubre 24, ng madaling araw.;

Posibleng lumabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Kristine sa Biyernes, Oktubre 25, 2024.