Lumakas pa at naging severe tropical storm ang Bagyong Kristine habang papabagsak sa lupa sa Isabela ngayong gabi, Oktubre 23, 2024.

News Image #1


Batay sa lokasyon ng bagyo kaninang alas 4:00 ng hapon, ang sentro ng bagyong Kristine at nasa 175 kilometro silangan ng Echague, Isabela.

Dala nito ng pinakamalakas na hanging 95 kilometro kada oras malapit sa gitna, na my pagbugsong hanggang 115 kilometro kada oras at may central pressure na 980 hPa.

News Image #2


Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras patungong hilaga-kanluran. Ang lawak ng dala nitong hangin ay aabot sa 730 kilometro mula sa gitna.
Sa ngayon ay nakataas ang Wind Signal Number 3 sa
• Isabela
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Gitnang bahagi ng Abra (Malibcong, Licuan-Baay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney, Tubo, Luba, Manabo, Bucay, Villaviciosa, Pilar, San Isidro, Pe)
• Benguet
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
• Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan)
• Pangasinan
• La Union
• Gitna at katimugang bahagi ng Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, Sigay, Suyo, Alilem, Sugpon, Tagudin, Santa Cruz, Salcedo, Gregorio del Pilar, San Emilio, Lidlidda, Burgos, San Esteban, Santiago, Banayoyo, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Nagbukel, Santa Maria, Narvacan)

Wind Signal Number 2 naman sa mga sumusunod na lugar:
• Ilocos Norte
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, Apayao
• Nalalabing bahagi ng Abra
• Cagayan kasama ang Babuyan Islands
• Nalalabing bahagi ng Aurora
• Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
• Bulacan
• Tarlac
• Pampanga
• Zambales
• Bataan
• Metro Manila
• Cavite
• Laguna
• Rizal
• Quezon kasama ang Polillo Islands
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Catanduanes

Wind Signal Number 1 naman sa
• Batanes
• Batangas
• Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands
• Oriental Mindoro
• Marinduque
• Romblon
• Calamian Islands
• Albay
• Sorsogon
• Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
• Aklan
• Capiz
• Antique kasama ang Caluya Islands
• Iloilo
• Guimaras
• Hilagang bahagi ng Negros Occidental (Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla, Bago City, La Carlota City, Valladolid, Pulupandan, Bacolod City, San Enrique, Murcia, Silay City, City of Talisay, Enrique B. Magalona, Manapla, City of Victorias, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava, Salvador Benedicto, San Carlos City)
• Hilagang bahagi ng Negros Oriental (Vallehermoso, Canlaon City, City of Guihulngan)
• Hilaga at gitnang bahagi ng Cebu (Alcantara, Argao, Dumanjug, Sibonga, Pinamungahan, Ronda, Liloan, Cebu City, Moalboal, Consolacion, Danao City, Borbon, Carmen, Daanbantayan, Tuburan, City of Bogo, Tabogon, City of Naga, Lapu-Lapu City, City of Carcar, Mandaue City, Catmon, Minglanilla, Toledo City, Cordova, Compostela, San Remigio, Balamban, Aloguinsan, San Fernando, Asturias, Barili, Medellin, Sogod, Tabuelan, City of Talisay) kasama ang Bantayan Islands at Camotes Islands
• Bohol
• Eastern Samar
• Northern Samar
• Samar
• Leyte
• Biliran
• Southern Leyte
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte kasama ang Siargao - Bucas Grande Group
Inaasahang sa Biyernes, Oktubre 25, 2024, lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Kristine.

(Mga larawan mula sa PAGASA)