Dalawang aktibong bagyo ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayon hanggang sa unang linggo ng Nobyembre.
(Larawan ng PAGASA)
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Kristine (international name: Trami) ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) subalit may posibilidad na bumalik muli sa PAR.
Ang Bagyong Leon (international name: Kong Rey) na naman ay nagbabanta ring pumasok sa PAR.
Sa pinakahuling pagtataya ng PAGASA, mula Oktubre 25 hanggng 31, 2024, ang Tropical Cyclone na si Kristine ay nasa West Philippine Sea at gumagalaw patungo sa Vietnam at Hainan Island.
Ang isa pang Tropical Cyclone na si Leon na nabuo sa silangan ng Visayas (nasa labas pa ng PAR) at gumagalaw naman patungo sa hilaga-kanluran papasok sa hilagang bahagi ng PAR.
Sa Nobyembre 1 hanggang 7, 2024, tinataya ng PAGASA na ang Bagyong Kristine ay mananatili sa South China Sea at posibleng bumalik sa kanlurang bahagi ng PAR.
Ang Bagyong Leon naman ay inaasahang patuloy na kikilos sa hilaga-kanluran patungo sa tuktok ng Northern Luzon bago tutuloy sa lugar ng Taiwan at Southern Japan.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA, na ang banta ng dalawang bagyo ay mananatili sa susunod na dalawang linggo.
Bagyong Kristine at Leon, Aktibong Bagyo sa Susunod na Dalawang Linggo; Binabantayan ng PAGASA | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: